Parak sa Cebu arestado nang makipag-'labing-labing' sa babaeng inmate

Kitang-kitang magkatabi sa kama si Major Ildefonso Miranda Jr. at ang babaeng inmate sa litratong ito na nadiskubre sa kanyang cellphone.
Released/PNP-IMEG

MANILA, Philippines —

Arestado

ang

isang

opisyal

ng Philippine National Police

sa Cebu

matapos

mahuling

nagpapapasok

ng detainees, na

parehong may

kaso

kaugnay

ng

droga,

sa

kanyang quarters.

Kinilala

ang

suspek

bilang si Major Ildefonso Miranda Jr.

ng Argao Municipal Police Station

sa Cebu.

Sa video na

ito na

inilabas

sa state-owned Radyo Pilipinas,

makikita

ang

pag-

aresto

ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group

kay Miranda

noong

ika-5

ng Marso,

Huwebes.

Aniya, may

sekswal na

relasyon si Miranda at

isa

sa

mga

babaeng

preso

habang

ginagamit

bilang "helper"

ang

isa pa, na

babae rin.

Nabisto ang ginagawa ng pulis matapos madiskubre ang ilang kwestyonableng litrato sa kanyang cellphone.

Kitang-kita sa mga nasabing litrato si Miranda habang katabing nakahiga sa kama ang isa sa mga preso.

Sa isa pang litrato, nakuha pa ng preso na suotin ang iniporme ng pulis habang nakasaludo. Basang-basa sa suot ng babae ang apelyido ng police official.

Humaharap

sa

kasong "direct bribery," "delivery of prisoners from jails" at

paglabag

sa Anti-Graft and Corrupt

Practies Act

si Miranda. — James

Relativo at may

mga

ulat

mula

sa News5

Show comments