Mister pinatay ng 2 berdugo

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines — Isang mister ang patay matapos ratratin ng riding-in-tandem sa mataong lugar sa Barangay Pengue-Ruyu ng lungsod na ito kahapon. Sa report kay Lt. Colonel George Cablarda, hepe ng Tuguegarao City Police Station, hinabol pa saka pinara ng dalawang berdugo si Art Aquino 28 na noon ay sakay ng kanyang traysikel saka siya pinaulanan ng bala dakong alas-7:30 ng umaga. Nagpulasan ang mga tao sa paligid at nagsisigawan sa takot na  madamay sa walang habas na pamamaril ng mga killer. Patay agad sa lugar si Aquino at tumakas ang mga suspek.

Show comments