BULACAN, Philippines — Isang 17-anyos na tindera at sanggol na anak ang kapwa patay habang 12 pa ang sugatan matapos na araruhin ng isang humahagibis na 10-wheeler truck na may kargang backhoe ang isang tindahan, bahay at tatlo pang sasakyan sa Qui-rino Highway sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Sa inisyal na ulat ng San Jose Del Monte Police, kinilala ang mga nasawi na sina Michelle Ramos, vendor ng pakwan at 3-buwang sanggol na anak. Inaalam pa ang mga pangalan ng 12 sugatan na isinugod sa Sapang Palay District Hospital kabilang ang biyenan ni Michelle.
Sa imbestigasyon, lumalabas na habang binabagtas ng truck na minamaneho ni Eleazar Lumawag, 43-anyos ang Quirino Highway patungo sa bayan ng Norzagaray nang mawalan ito ng kontrol sa manibela sa pakurba at palusong na bahagi sanhi upang dire-diretsong araruhin nito ang mga sasakyan at tindahan na nasa gilid ng kalsada.
Isa ring bahay ang nadamay sa insidente at kabilang sa mga nasugatan ang isang babaeng nakatira rito.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nag-kalat ang mga sugatang biktima sa kalsa-da at mga kagamitan habang nasira ang tindahan at mga sasakyan sa insidente.
Nagtamo ng matin-ding pinsala ang mag-ina na nagbabantay lamang sa tindahan na kanilang agarang ikinamatay.
Sumuko naman sa mga rumespondeng pulis ang nasabing driver na umano’y nakabatak ng shabu at nahaharap sa patung-patong na kaso.