^

Probinsiya

Sagada nagdeklara ng lockdown

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Sagada nagdeklara ng lockdown
Sa Executive order na ipinalabas kahapon (Huwebes) ni Mayor James Pooten Jr., ta­nging mga pampublikong lugar at akti­bidad lamang ang ipinagbabawal niya sa kanyang teritoryo sa Sagada, Mountain Province.
Artemio Dumlao

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Isa pang dinarayong bayan sa Cordillera ang isinara sa eco-tourism upang maiwasan ang pagkalat dito ng coronavirus disease (Covid-19) na ikinamatay ng mahigit isanlibong tao at nakahawa sa hindi bababa sa 40,000 pang iba sa buong daigdig.

Sa Executive order na ipinalabas kahapon (Huwebes) ni Mayor James Pooten Jr., ta­nging mga pampublikong lugar at akti­bidad lamang ang ipinagbabawal niya sa kanyang teritoryo sa Sagada, Mountain Province. 

Ito ay gaya ng mga pamosong burial caves, hanging coffins, mga kuweba, waterfalls at mga trail and mountain climbing activities. 

Gayunman, hindi sakop ng order ni Pooten ang mga pribadong aktibidad at lugar gaya ng  Sunrise View Hotel, Isang Wow Sunrise Viewdeck, Paog’s Sunset Viewdeck, Sagada Pottery, Sagada Wea-ving at ang Masferre’s Photographs exhibits.

Ayon kay Pooten, mananagot sa kanyang opisina ang sinomang lalabag sa kautusan.

Ang Sagada ay ika­pitong bayan sa Cordillera na naghigpit sa pagpasok ng mga dayuhan mula nang maghasik ng lagim ang virus noong nakaraang buwan.

Nauna ang Tingla-yan, Pasil at Balbalan sa Kalinga at La Trinidad, Atok at Kibungan na-man sa Benguet. 

 

SAGADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with