^

Probinsiya

4 trak ng alak na-hijack, 2 suspek nasabat

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
4 trak ng alak na-hijack, 2 suspek nasabat
Sa ulat, natiklo ang mga suspek na sina Nelson Dalma Chavez, 44-anyos, driver at pahinanteng si Dante Llona Canaveral Jr., 35-anyos, pawang ng Purok-1, Brgy, Cuyaoyao, Pio Duran, Albay habang lulan ng kanilang kinumander na isang truck (RJK-544) na may kargang 546 kahong Emperador Double Lights na nagkakahalaga ng P553,644 dakong alas-12:30 ng madaling araw sa Brgy.1, Pier site, Bacacay, Albay. Nang imbestigahan, inamin ng dalawa na ang tatlo pang nawawalang truck ng alak ay dinala ng kanilang mga kasamahan patungong Pio Duran
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Umiskor ang pulisya matapos nilang marekober ang na-hijack na apat na 10-wheeler truck na kargado ng mga alak na aabot sa mahigit P5-milyon ang halaga habang arestado ang dalawang suspek sa isinagawang operasyon dito sa lalawigan kamakalawa.

Sa ulat, natiklo ang mga suspek na sina Nelson Dalma Chavez, 44-anyos, driver at pahinanteng si Dante Llona Canaveral Jr., 35-anyos, pawang ng Purok-1, Brgy, Cuyaoyao, Pio Duran, Albay habang lulan ng kanilang kinumander na isang truck (RJK-544) na may kargang 546 kahong Emperador Double Lights na nagkakahalaga ng P553,644 dakong alas-12:30 ng madaling araw sa Brgy.1, Pier site, Bacacay, Albay. Nang imbestigahan, inamin ng dalawa na ang tatlo pang nawawalang truck ng alak ay dinala ng kanilang mga kasamahan patungong Pio Duran.

Dahil dito, agad na kumilos ang mga operatiba ng Quezon Provincial Police Office at Albay Police at inabutan nila dakong alas-6:11 ng gabi sa Brgy. Co­yaoyao at Brgy. Caratagan, Pio Duran ang tatlong truck (RKB-748, RKB-544 at RDP188) na may kargang 4,500 kahon ng naturang alak na nagkakahalaga ng P4.5 milyon pero wala na ang ibang mga suspek. Nasa 5,046 kahon ng alak na nagkakahalaga ng P5,053,644 ang karga ng apat na trak.

Nauna rito, nag-report sa Quezon Provincial Police ang isang Robert Chu-Lao, 51-anyos, empleyado ng AS Bolivar Trucking sa pagkawala ng inorder nitong apat na truck ng alak mula sa Sta. Rosa City, Laguna. Habang bumibiyahe patungong Bicol ang mga trak ay hinay jack umano ito ng mga suspek pagdating sa bahagi ng Lopez, Quezon. Nakatakda sanang dalhin ng mga suspek ang ninakaw na mga alak sa kanilang mga kontak sa Albay, Masbate at Catanduanes nang masabat ng pulisya. Tony Sandoval

 

HIJACK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with