3 sabungerong parak sinibak sa serbisyo

Kinilala ni PNP 12 Regional Director Brigadier General Alfred Corpuz ang tinanggal na mga pulis na sina Chief Master Sergeant Dexter Lamanero na nakatalaga noon sa Sarangani at mga police corporal na sina Warren Bejar at Mark Madisidis na dating nakatalaga sa South Cotabato.
STAR/File

NORTH COTABATO, Philippines — Sabong ang naging sanhi ng pagkaka-dismiss sa tatlong pulis mula sa magkakaibang lugar sa Region 12.

Kinilala ni PNP 12 Regional Director Brigadier General Alfred Corpuz ang tinanggal na mga pulis na sina Chief Master Sergeant Dexter Lamanero na nakatalaga noon sa Sarangani at mga police corporal na sina Warren Bejar at Mark Madisidis na dating nakatalaga sa South Cotabato.

Ayon kay Corpuz, ang nasabing mga pulis ay naaktuhan sa mga sabungan noong termino pa ng nagretiro nang si dating PNP-12 Regional Director Brigadier General Eliseo Tam Rasco.

Si Lamanero ay nakita sa sabungan sa Alabel, Sarangani noong Hulyo 8, 2018 at naghain ng motion for reconsideration sa dismissal nito noong Disyembre 30, 2019.

Si Madisdis naman ay nakita sa sabungan sa Polomolok, South Cotabato noong Hulyo 9, 2018 at nakatanggap ng dismissal ­order noong Enero 2. Habang si Bejar ay nahuli ring nagsasabong sa cockpit arena sa Barangay Apopong, General Santos City, Agosto noong nakaraang taon.

Ang pagtanggal sa serbis­yo sa tatlong pulis ay dahil sa kanilang paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Ayon kay Corpuz ang pagtanggal sa tatlong mga pulis dahil sa sabong ay patunay na seryoso ang PNP sa kanilang internal clean­sing.

Show comments