Lupon ng barangay nilikida

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang lupon ng barangay matapos na pagbabarilin ng ‘di nakilalang gunman sa Sitio Curbada, Barangay Upper Capiton, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na si Guianor Pasawilan Samama, 40-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report ng Datu Odin Sinsuat Police, sakay ang biktima sa minamaneho nitong payong-payong na motorcycle nang pagsapit sa bahagi ng Sitio Curbada ay rito na siya pinagbabaril gamit ang caliber .45 pistol dakong alas-8:40 ng umaga.

Nagawa pang maisugod sa hospital ang biktima pero pagkaraan ng sampung minuto ay binawian din ito ng buhay. Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng calibre .45 pistol na siyang pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Show comments