Kelot binoga ng tatay ng kainuman, dedo

Legazpi City, Albay, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang 40-anyos na lalaki matapos barilin ng tatay ng kanyang kainuman sa Barangay Bolo, Matnog, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng punglo sa katawan at agad nasawi ang biktimang si Jonathan Gutlay Gallanosa habang tinutugis na ng mga pulis ang tumakas na suspek na si Wilson Garais, 50-anyos, pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi, nag-iinuman ang biktima at ang anak ng suspek na si Elvin Garais at isa pang residente nang maungkat ng suspek ang matagal na nilang alitan.

Sa gitna nang pagtatalo ay biglang bumunot ng hindi malamang kalibre ng baril ang suspek at pinutukan ng isa sa katawan ang biktima na agad bumulagta. Agad na isinugod ng mga residente sa Matnog Medicare Hospital pero ideneklarang patay ang biktima.

Show comments