MANILA,Philippines — Isang Nigerian national at dalawang African ang nada-kip ng mga awtoridad sa magkahiwalay na lugar sa Cavite at Ifugao kamakalawa.
Sa Barangay Bayan Luma 4, Imus, Cavite, nadakip ng magkasanib na puwersa ng Philippine National police at ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang buy-bust operation noong Miyerkules ng umaga ang Nigerian national na si Leonard Ohaeri, 27, tubong Lagos, Nigeria at residente ng BF Resort, Las Piñas City.
Nakumpiska kay Ohaeri ang 220 gramo ng shabu na aabot sa halagang Php1,360,000.00.
Nasakote naman ng mga awtoridad ang dalawang North African national habang nagbibiyahe ng P.7 milyong halaga ng marijuana sa isang checkpoint sa Lamut, Ifugao, kamakalawa.
Kinilala ng Pulisya ang mga naaresto na sina Negash Abede Natnael, 24, at Saffi Mohamednur, 28, na nanunuluyan sa Pasay City at pawang mga Eritrean natio-nals mula sa Northeast, Africa.
Ayon sa report, ang mga damo na nasa tubular package ay nasamsam sa pag-iingat ng dalawang arestado na galing Bontoc, Mountain Province at nakasakay sa bus patungong Cubao nang isuplong sila sa awtoridad ng tiktik sa checkpoint.
Nabatid na mga estudyante rito sa bansa ang dalawa na nagpaso na ang kanilang mga student visas.