75-anyos lolo sinuwag ng AUV, tigok

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Phillipines — Nasawi ang isang 75-anyos na lolong rider matapos tumbukin ng Toyota Tamaraw FX ang kanyang motorsiklo sa Brgy. Ballang, Buguey, Cagayan kamakalawa.

 Sa report ng pulisya, naabutan sa pagtawid sa highway si Lolo Rufino Labinay ng AUV na minamaneho ni Ruel Pascua, 41, dakong ala-1:00 ng hapon. Sa lakas ng salpok ni Pascua, lumipad sa ere ang matanda bago bumagsak at nagpagulung-gulong sa kalsada.

Isinugod ng mga sumaklolo si Labinay sa isang pribadong ospital sa Camalaniugan pero nalagutan ng hininga habang ginagamot. Dinakip naman ng mga nagrespondeng pulis si Pascua matapos ang sakuna.

Show comments