^

Probinsiya

PNP red alert sa ‘Miss Asia Pacific International’ sa tribu ng Bugkalot

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
PNP red alert sa âMiss Asia Pacific Internationalâ sa tribu ng Bugkalot
Ayon kay P/Capt. Dominic Rosario, hepe ng Nagtipunan Police, umaabot sa 300 pulis ang ipinadala ng Police Regional Office 2 sa kanilang lugar, maliban sa mga tauhan ng Philippine Army at iba pang ahensya ng gobyerno para sa seguridad ng mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa.
File

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Itinaas sa “red alert status” ang Nagtipunan, Quirino habang nasa “blue alert” ang buong Cagayan Valley para sa idaraos na “Miss Asia Pacific International 2019” ngayong Miyerkules.

Ayon kay P/Capt. Dominic Rosario, hepe ng Nagtipunan Police, umaabot sa 300 pulis ang ipinadala ng Police Regional Office 2 sa kanilang lugar, maliban sa mga tauhan ng Philippine Army at iba pang ahensya ng gobyerno para sa seguridad ng mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

Naging puspusan ang ginawang paghahanda ng mga katutubong Bugkalot sa isang liblib at malayong bayan ng Nagtipunan matapos mapalad na maidaos dito ang “swimsuit at ethnic attire” ng mga kandidata ng Miss Asia Pacific International 2019 ngayong Okt. 2.

Maging ang lokal na pamahalaan ay naglaan din ng iba’t ibang programa at paghahanda para sa pinakamalaking event na gaganapin sa kanilang probinsya.

Labis namang nagpasalamat ni Nagtipunan Mayor Bhelot Meneses at napili ng organizer ang kanilang bayan kahit malayo, at aniya’y malaking tulong ito para makilala at ma­bigyan nang pansin ang mga katutubong Bugkalot lalo na ang pagsusuot ng mga kalahok ng kanilang katutubong damit.

Ang bayan ng Nagtipunan ay tirahan ng mga katutubong Bugkalot na kilala noong araw bilang head hunters.

Ang mga kandidata sa nasabing international beauty pageant ay magsasagawa rin ng tree planting at feeding program sa mga batang Bugkalot bago ang swimsuit at traditional attire competition na gaganapin sa Nagtipunan gymnasium.

 

MISS ASIA PACIFIC INTERNATIONAL 2019

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with