MANILA, Philippines — Inaasahang mawawala na ang sistema sa pagbubuwis sa ‘gross income earned’ kapag naisabatas na ang panukalang ‘Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act (CITIRA o HB 4157) na ipinasa ng Kamara kamakailan sa botong 170, kumpara sa walaong kontra at anim na hindi bumoto.
Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, House Ways and Means Committee chair at isa sa pangunahing may-akda ng HB 4157, “ang GIE ang nanay ng mga abusadong ‘transfer pricing’ na dahilan ng pagkawala ng P296 bilyong dapat binayarang buwis sa pamahalaan sa nakaraan.”
Ang CITIRA ang buod at ikalawang ‘package’ ng ‘Comprehensive Tax Reform Program’ ng administrasyon.
Inaalis ng CITIRA ang panghabang-buhay na 5% buwis sa GIE at inaamuki ang mga mamumuhunan at ‘foreign locators’ na mag-aplay sila sa pagpapahaba sa lima hanggang pitong taong taning ng kanilang mga insentibo, kung nasusunod nila ang mga panuntunan ng programa. Pananatilihin pa rin ang kasalukuyang mga insentibo nila sa loob ng limang taon.