MANILA, Philippines — Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang Grade-2 pupil na babae na isang linggo nang nawawala matapos na gahasain at patayin ng hinihinalang kapitbahay na adik matapos na matagpuan ang bangkay ng biktima sa isang masukal na bahagi ng Purok 4 Suwa, Bgy. Manapa, Buenavista, Agusan del Norte noong Miyerkules.
Bandang alas-4:00 ng hapon nang matagpuan sa madamong bahagi, may 1-kilometrong layo sa bahay ng kanyang lola ang bangkay ng biktima. Nakitaan ng sugat sa katawan ang bata na posibleng pina-lo ng matigas na bagay sanhi ng kamatayan nito at pinaniniwalaang ginahasa rin.
Kuwento ng lola, nagtungo siya sa bukid para manguha ng gulay subalit hindi niya napansin na sumunod pala sa kanya ang apo, hanggang sa hindi na ito nakauwi ng bahay.
Isang lalaki na kanilang kapitbahay ang “person of interest” ang isinailalim ng pulisya sa interogasyon matapos na huli siyang nakitang kasama ang bata.