Bading nanggantso ng 2 hotel, kulong

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Bagsak kalaboso ang isang miyembro ng LGBT matapos umanong takasan ang bayarin sa dalawang hotel na pinagdausan ng tipanan ng mga kapwa niya bading at mga kaibigang lalaki sa Ballesteros, Cagayan kamakalawa.

Sa report kay P/Captain Gilbert Danga, hepe ng Ballesteros Police, umabot sa P10,500 ang bayarin ni James Ringor, 18-anyos, sa Rose Ann Pension House habang P11,200 naman sa Alyssa Hotel na pinagsabay niyang upahan mula Setyembre 13-21.

Nabatid na nanuluyan ang grupo ni Ringor sa dalawang bahay pahingahan at nagsi-order ng mga pagkain at inumin. Gayunman, tahasang sinabi ng bakla na wala siyang pambayad sa mga kinuhang kuwarto at kanilang mga inorder sa dalawang establisimiyento.

Dahil sa kabiguang magbayad, binigyan ng pulisya ng “free board and lodging” si Ringor pero ito ay sa pamamalagi sa kulungan habang dinidinig ang kasong estafa na isinampa laban sa kanya ng tagapangasiwa ng dalawang hotel.

 

Show comments