PMA cadet patay sa cardiac arrest
MANILA, Philippines – Isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City ang nasawi matapos dumaing ng matinding pananakit ng tiyan at magsuka habang nasa loob ng kanilang barracks, nitong Miyerkules ng madaling araw.
Sinabi ni PMA Acting Spokesman Major Reynan Afan, ang biktimang si Fourt Class Cadet Darwin Dormitorio, 20-anyos ng Cagayan de Oro City, base sa inisyal na findings ay nasawi sa ‘cardiac arrest secondary to internal bleeding’.
Batay sa report, dakong ala-1:00 ng madaling araw nitong Miyerkules nang magsuka ng dugo si Dormitorio sa loob ng kanilang barracks na dumaraing ng matinding pananakit ng tiyan.
Samantalang bandang alas-4:00 naman ng mada-ling araw nang dalhin ito sa PMA Station Hospital ngunit ideklarang dead-on-arrival.
Samantala, sa isang statement na ipinalabas ng PMA, tiniyak nito sa publiko na tinitingnan nila ang pangkalahatang kondisyon ng katawan ng kanilang mga kadete na bahagi ng aspeto sa education and training.
“Investigation is still ongoing to ascertain the cause and details of his death,” anang PMA na ipinaabot na ang impormasyon at pakikiramay sa pamilya ni Dormitorio.
- Latest