Abogado itinumba sa fastfood chain

Kinilala ang biktima na si Atty. Irineo Michael Cabugoy na napuruhan ng tama ng bala sa ulo na siyang kumitil sa kanyang buhay.
File

MANILA, Philippines — Binaril nang malapitan sa harapan ng kanyang mga kaanak ang isang 73-anyos na abogado ng nag-iisang armadong salarin sa loob ng isang fastfood chain sa Brgy. San Roque, Antipolo City nitong Huwebes, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Atty. Irineo Michael Cabugoy na napuruhan ng tama ng bala sa ulo na siyang kumitil sa kanyang buhay. 

Sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-11:50 ng gabi habang kumakain sa loob ng isang kilalang fastfood chain ang biktima kasama ang mga kamag-anak nang maganap ang insidente.

Ayon sa mga testigo, pumasok ang salarin na armado ng ’di pa matukoy na kalibre ng armas sa loob ng fastfood chain at lumapit sa lamesa kung saan kumakain ang nasabing abogado saka siya binaril sa ulo.

 Ang insidente ay lumikha ng matinding takot sa mga service crew at kustomer na nagtakbuhan sa insidente.

 Nagawa pang maisugod sa Antipolo Doctors Hospital ang biktima pero idineklara na siyang dead-on-arri­val. 

Show comments