Ex-tserman nilikida, anak sugatan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nasawi ang isang dating kapitan ng barangay habang suga­tan ang 12-anyos nitong anak matapos silang ratratin ng riding-in-tandem sa Brgy. San Mariano, Lal-lo, Cagayan noong Miyerkules.

Ayon sa report, inihahatid sa eskwelahan sakay ng motorsiklo ni ex-chairman Mauro Malag­yab, 49 ang anak na si Denver nang ratratin ng isa sa dalawang killer dakong alas-7:35 ng umaga.

Namatay noon din ang matandang Malag­yab habang isinugod ng mga sumaklolo sa Camalaniugan District Hospital ang binatilyo.

Ayon kay MSgt. Gilbert Columna, apat na basyo ng bala ng cal.45 baril ang narekober ng mga otoridad sa lugar.

Nakuha rin ang isang cal.45 baril sa katawan ng napaslang na si Ma­lag­yab na umano’y dati nang nakakatanggap ng pagbabanta.

Sinabi ni Columna na hindi nila inaalis ang posibilidad ng koneksiyon ng insidente sa pagtumba sa isang Fredelito Ugalde na ka-barangay ni Malagyab noong nakaraang linggo. Victor Martin

 

Show comments