Trike inararo ng van: 1 dedo

CAVITE, Philippines — Patay ang isang driver matapos na araruhin ng isang L300 van ang minamaneho nitong tricycle ha-bang bumabagtas sa kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy. Cabilang Baybay, Carmona, lalawigang ito kahapon.

Agad na nasawi ang nasabing driver na si Bernar­di-no Tenedero, 55, ng  #10361 Brgy. Cabilang Baybay, Carmona sa insidente. Hawak naman ng pulisya ang driver ng van na si Stephen Malayon, 40-anyos, ng  Brgy Veterans Bagong Silangan Quezon City.

Sa ulat, alas 8:05 ng umaga habang minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle na Rusi 125 at papatawid na umano ito sa may crossing nang bigla na lamang itong tumbukin ng puting Mitsubishi L300 van na minamaneho ng suspek.

Sa lakas ng salpok, lumipad ang tricycle kasama ang biktima kung kaya nawasak ito nang bumagsak sa kalsa­da. Patay agad sa insidente ang biktima dahil sa matin-ding pinsala na tinamo habang naaresto ang driver ng van.

Show comments