^

Probinsiya

Police sub-station grinanada: 1 sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang utility worker ang sugatan matapos na hagi­san ng granada ang isang police sub-station ng ‘di kilalang mga suspek sa liblib na lugar ng Sitio Tablogan sa Barangay Aflek, T’boli, South Cotabato, ka­makalawa.

Kinilala ng T’boli Police ang nasugatan sa pagsabog na civilian utility worker na si Erwin Piang, 25-an-yos, nakatira rin sa lugar.

Basag naman ang salamin ng bintana sa kaliwang bahagi ng nasabing himpilan kung saan sumabog ang granada.

Ayon kay Police Major Bernie Faldas, hepe ng nasabing istasyon na isa ring saksi ang pinaputukan ng tatlong lalaki na naka-itim na jacket matapos nitong makita ang mga suspek malapit sa sub-station.

Nabatid na napailawan ng flashlight ng saksi ang mga suspek habang patakas patungong tabing ilog.

Lumabas sa pagsisiyasat na pinamumunuan ni Police Major Bernie Faldas na posibleng pananakot ang motibo sa paghahagis ng granada sa kanilang istasyon.

vuukle comment

GRANADE

UTILITY WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with