^

Probinsiya

Pastor ng UCCP itinumba!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Pastor ng UCCP itinumba!
Masusing sinisiyasat ng mga pulis ang gina-wang pagpatay sa pastor ng UCCP na si Ernesto Estrella na nadatnang nakahandusay habang sakay pa ng kanyang motorsiklo sa Purok 5, Brgy. Magsaysay, Antipas, North Cotabato kahapon ng umaga.
Rhoderick Beñez

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang pastor matapos na tambangan at pagbabarilin ng ‘di pa kilalang mga suspek sa Purok 5, Brgy. Magsaysay, Antipas, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Ernesto Javier Estrella, 51-anyos, may asawa, pastor ng United Church of Christ in the Philippines o UCCP Antipas at residente ng Purok 6, Brgy. Malatab ng bayan.

Sa ulat ng Antipas Police, alas-7:15 ng umaga habang patungo sana ang biktima sa Brgy. Pob­lacion sakay ng kanyang motorsiklong Yamaha STX  nang pagsapit sa Purok 5 ay pinagbabaril ng mga suspek na lulan din ng motorsiklo mula sa kasalungat na daan.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa ulo dahilan ng kanyang agarang kamatayan habang mabilis na tumakas ang mga suspek sa ‘di pa malamang direksyon.

Sinisiyasat pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang at mga nasa likod nito.

vuukle comment

UCCP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with