MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang 69-anyos na mister habang malubhang nasugatan ang misis nito nang pagbabarilin ng dalawang gunmen habang masayang nanonood ng kanilang paboritong teleserye sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Villa Cardenas, Saguday, sa probinsya ng Quirino, kamakalawa ng gabi.
Sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, dead-on-the-spot ang mister na si Ricardo Flores habang patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang sugatang misis nito na si Teresita, 68-anyos.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:50 ng gabi habang nanonood ng telebisyon ang mag-asawa nang biglang pasukin sila ng mga suspek at walang patumanggang pinagbabaril.
Agad na binawian ng buhay sa Ricardo matapos ang pamamaril habang tinukoy naman ni Teresita ang isa sa mga suspek habang ito’y isinusugod sa pagamutan.
Ayon sa mga imbestigador ay may kinikimkim na galit ang isa sa mga killer kaugnay sa pagpapalayas ng mag-asawa rito bilang katiwala sa kanilang sinasakang bukirin.
Patuloy ang imbes-tigasyon sa nasabing krimen.