Empleyado ng MDRRMO itinumba

MANILA, Philippines — Patay ang isang empleyado ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) habang sugatan ang misis nito makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin sa Brgy. Bangkerohan, Catarman, Northern Samar kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Allan Barcelon, 43-anyos, empleyado sa MDRRMO-Catarman at dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa ulo habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang misis nitong si Salve, 40.

Sa ulat ng Eastern Visayas Police, bandang alas-5:30 ng hapon, kasalukuyang lulan ng motorsiklo ang mag-asawa pauwi na sa kanilang tahanan nang pagbabarilin ng mga armadong salarin pagsapit sa Brgy. Bangkerohan. Ang mga salarin ay mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Show comments