69-anyos trader pinasok, pinatay

SAN ANTONIO, Nueva Ecija, Philippines — Isang 69-anyos na negosyante na katatapos lang na mananghalian ang napatay matapos na pasukin at pagbabarilin ng isang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Barangay San Francisco ng bayang ito noong Sabado ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Manuel Reyes, may-asawa, isa ring magsasaka ng nasabing lugar.

Idineklara siyang patay nang maisugod sa pinakamalapit na pagamutan. Sa ulat, bandang alas-12:25 ng tanghali habang nagpapahinga ang matanda nang bigla umanong dumating ang ‘di kilalang suspek sa bahay nito at may hinanap umanong bagay sa biktima.

Hindi nagtagal, bigla na lang bumunot ng kalibre 9mm na baril ang suspek at ipinutok sa nabiglang biktima. Ang suspek na nakasuot ng kulay berdeng t-shirt at maong pants ay tumakas sakay ng isang walang plakang motorsiklo.

Show comments