Lolo dedo sa trike

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nalasog ang katawan ng isang 68-anyos na lolo matapos bumangga ang kanyang minamanehong bisikleta sa sinusundang tricycle sa national highway ng Brgy. San Lorenzo, Sta. Elena, Camarines Norte kamakalawa.

Naisugod pa sa Holy Rosary of Virgin Mary Hospital pero dineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Gregorio Estrope, residente ng Brgy. Poblacion.

Sumuko naman sa mga rumespondeng pulis ang driver ng tricycle na kanyang binangga na si Joey Montes, 40-anyos.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali, mabilis na binabagtas ng bisikleta ng biktima ang highway nang mabangga nito ang likurang bahagi ng sinusundang tricycle.

Tumilapon ang biktima at humampas ang katawan sa sementadong kalsada. Tinangka pang isugod ang biktima sa hospital pero ’di na umabot nang buhay.

Show comments