Motor salpok sa van: Binata durog

CAVITE, Philippines — Isang binata ang nasawi makaraang sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa kasalubong na van sa Kawit, Cavite kahapon.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap ang aksidente sa Tirona Highway, Brgy. Panamitan, Kawit.

Minamaneho umano ni Romarico Mendoza ang isang Isuzu Elf Reefer Van papuntang Noveleta nang salpukin siya ng Suzuki Skydrive na papunta naman sa Bacoor City.

Napuruhan nang tumilapon ang driver na si Raven Garrido, 21, kaya agad nasawi habang dinala naman sa pagamutan ang backrider nitong si Charles jhozep Averilla, 21.

Show comments