Lolo kritikal sa bangga ng Grab

Patuloy na inoobserba­han sa pagamutan ang biktimang si Antonio Villar, residente ng Blk. 7 Lt. 70 Carmel Rd., Phase 2, Avida Settings, Brgy. Molino 4, ng naturang lungsod.

MANILA, Philippines — Nasa malubhang kala­gayan ngayon ang isang 66-anyos na lolo matapos tumilapon sa kanyang e-bike makaraang salpukin ng isang Grab taxi sa kahabaan ng Molino 2, Bacoor City, Cavite.

Patuloy na inoobserba­han sa pagamutan ang biktimang si Antonio Villar, residente ng Blk. 7 Lt. 70 Carmel Rd., Phase 2, Avida Settings, Brgy. Molino 4, ng naturang lungsod.

Naharang naman ng ilang residente na nakasaksi sa pangyayari ang tatakas sanang Grab driver na si Jonald Kevin Baccay, 28, ng Hacienda Lajoya, Buhay Na Tubig, Imus City, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:30 ng umaga, kasalukuyang sakay ang biktima ng kanyang e-bike at bumabagtas sa nasabing lugar nang biglang salpukin ng Toyota Vios (NCH 3881) na minamaneho ng suspek.

Pagkasalpok ay tumilapon ang biktima subalit sa halip na tulungan ito ng Grab driver ay tinakasan ito at humarurot paalis.

Ilang residente ang na­kasaksi sa pangyayari  kung kaya hinabol nila ang suspek at hinarang saka dinala sa barangay.

Naitakbo naman sa Metro South Hospital ang biktima na hanggang sa kasalukuyan ay nasa kritikal na kondisyon.

Show comments