Sundalo pauwi ng bahay dedo sa motor

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang sundalo matapos mabagok ang ulo nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na motorsiklo kahapon ng umaga sa highway ng Brgy.Aguinaldo, Naga, Zamboa­nga Sibugay.

Ang nasawi ay kinila­lang si Sergeant Enerio Sergio Soriano, 34, naka­destino sa 18th Infantry Battalion na nakabase sa Basilan.

Sa ulat, bago naga-nap ang aksidente dakong   alas-7:20 ng umaga ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo pauwi na sa kanilang bahay sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur nang bumangga sa isang motorsiklo na minamaneho ni Artemio Villapania Barong, 63.

Ayon kay Police Major Helen Galvez, tagapagsa­lita ng Zamboanga Peninsula Police Regional Office, bumagsak sa kalsada ang sundalo at nabagok ang ulo na dahilan ng aga­ran nitong kamatayan habang si Villapania ay nagtamo naman ng mga pasa sa katawan.

Show comments