Supporter ng kandidato dinukot, pinatay

MANILA, Philippines — Inakyat sa bahay at d­i­nukot bago patayin ng tat­long armadong lalaki ang isang dating kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na supporter ng lokal na kandidato sa Brgy. Binodegahan, Pio Duran, Albay kahapon ng umaga.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Maximo Palencia, nasa hustong gulang at residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-5:15 ng umaga, habang nasa loob ng bahay ang biktima nang dumating ang tatlong armadong kalala-kihan at sapilitang isinama ang biktima.

Gayunman, ilang san-dali ay narinig ng mga kaanak ang magkakasunod na putok at dito ay na­tagpuan itong duguang nakahandusay sa kalsada.

Show comments