Graft vs Gov. Alvarez ibinasura
MANILA, Philippines — Dahil sa kawalan ng ebidensiya, ibinasura ng Second Division ng Sandiganbayan ang kasong graft na kinakaharap ni Palawan Gov. Jose Alvarez at dalawang iba pa.
Bukod sa gobernador, dinismis din ang kaso laban kay Lorenzo Jamora, dating chairman ng Local Water Utilities Administration at Gaspar Gonzales, Jr., dating general manager ng Cagayan de Oro City Water District.
Ayon sa desisyon, walang sapat na ebidensiya ang kasong isinampa mula sa isang abogado na nagpakilalang “Juan dela Cruz,” at isang Michelle Fox, na residente ng San Vicente, Palawan.
Pinaratangan nina Dela Cruz at Fox si Alvarez at ilang miyembro ng Board of Directors ng Cagayan de Oro City Water District na lumabag sa anti-graft law makaraang i-award ang Bulk Water Supply Project sa Rio Verde Water Consortium Inc.
Sa masusing imbestigasyon, lumitaw na walang ginawang paglabag sa batas si Alvarez na noon ay negosyante pa lamang. Wala ring “over act” sa panig ni Alvarez na nagpapakita na humingi siya ng pabor, o pinilit niya ang Board of Directors para aprubahan ang proyekto kaya ibinasura ang kaso.
- Latest