^

Probinsiya

Police colonel tiklo sa extortion

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Police colonel tiklo sa extortion
Sa report ng PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) Chief Police Lt. Colonel Romeo Caramat Jr. kay PNP Chief P/Director General Oscar Alba­yalde, kinilala ang nasakoteng opisyal na si P/Lt. Col. Allan Docyogen, nakatalaga sa Baguio City Police Office bilang hepe ng Intelligence Unit.
facebook

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang police colonel matapos ireklamo ng pangongotong sa isi­na­gawang entrapment operation ng kanyang mga kabaro sa lungsod ng Baguio nitong Lunes ng hapon.

Sa report ng PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) Chief Police Lt. Colonel Romeo Caramat Jr. kay PNP Chief P/Director General Oscar Alba­yalde, kinilala ang nasakoteng opisyal na si  P/Lt. Col. Allan Docyogen, nakatalaga sa Baguio City Police Office bilang hepe ng Intelligence Unit.

Bandang alas-2:27  ng hapon nang masakote ng PNP-CITF si Docyogen sa aktong tumatanggap ng P50,000 mula sa nagrerekla­mong sibilyan sa harapan ng Daddy’s Restaurant, 101 MS Florendo Buil­ding Abanao, Brgy. Azco ng lungsod. Nag-demand umano ng P200,000 ang opisyal mula sa complainant na inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation Unit (CIU) Baguio City Police Office matapos maisyuhan ng warrant of arrest ng Lucena City RTC sa kasong robbery kung saan ang nasabing halaga ay upang hindi na ito muling arestuhin sa iba pang krimen ng mga tauhan ng nasabing opisyal.

Lumilitaw na unang nagbigay ng P47,000 ang complainant sa nasabing opisyal noong Abril 12, 2019 at ang balanse ay P50,000 makaraang bumaba ang  demand.

ALLAN DOCYOGEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with