20 BIFF todas sa air strike!

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 20 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Force (BIFF) ang napaslang sa isinagawang air strike operation ng tropa ng pamahalaan sa pinagkukutaan ng Daesh-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) inspired group sa Maguindanao.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Major Gen. Cirilito Sobejana, commander ng  6th Infantry Division (ID) ng Phl Army at Joint Task Force (JTF) Central.

“We have inflicted heavy casualties on the enemies, until midnight last night (March 11), medyo lasug-lasog yung mga katawan, we have some reports na umabot na sa almost 20 yung mga namatay sa kalaban,” ani Sobejana. 

Sa nasabing operasyon, nakasagupa ng ground troops ng Philippine Army (NPA) ang mga tumatakas na BIFF kung saan isa ang nasawi sa mga sundalo habang pito naman ang nasugatan sa tropa ng pamahalaan.

Nagsimula umano ang bomb run ng MG520 bomber plane ng Philippine Air Force dakong alas-5:50 ng umaga nitong Lunes sa Brgy. Ina­ladan, Shariff Saydona Mustapha na umabot hanggang hatinggabi ang operasyon.

 Sinabi ni Sobejana na kabilang sa mga puntirya sa operasyon ay ang mga high value target ang mga BIFF commanders at sub-commanders na sina Salahudin Hassan, Mauwiyah at Kumander Bastardo. Beneberipika pa ng militar kung kabilang sina Mauwiyah at Hassan sa mga napaslang sa air strike.

Show comments