Kuya nang-agaw ng asawa, kinatay

Nasawi noon din dahil sa malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa loob mismo ng kanilang bahay ang biktimang si Ruben Monares habang nakatakas ang utol nito na si Meliton, 53-anyos.
File Photo

LEGASPI CITY, Albay, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 60-anyos na lalaki matapos katayin ng nakababatang kapatid makaraang asawahin ng una ang misis ng huli sa Brgy. Mahayahay, Cawayan, Masbate kamakalawa ng gabi.

Nasawi noon din dahil sa malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa loob mismo ng kanilang bahay ang biktimang si Ruben Monares habang nakatakas ang utol nito na si Meliton, 53-anyos.

Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi, sinugod ni Meliton ang kanyang asawa sa bahay nito para komprontahin pero ang inabutan sa loob ay ang kapatid na si Ruben na sinasabing kasalukuyan nang kinakasama ng kanyang dating misis.

Nagdilim agad ang paningin ng suspek kaya pinagsasaksak ang kuya. Nabatid na anim na taon nang hiwalay ang suspek at misis nito kaya nagulat ang una nang malamang ang kuya niya ang sumalo at naging pangalawang lalaki sa buhay ng kanyang  asawa.

Show comments