Drug bust: 2 todas, 5 timbog

BULACAN, Philippines — Dalawa ang nasawi kabilang ang umano’y dating drug surrenderee ng Oplan Tokhang habang lima pa ang naaresto sa drug bust operations sa magkakahiwalay na lugar sa mga bayan ng San Jose Del Monte City, Malolos City, Santa Maria, Plaridel, at San Miguel kamakalawa ng madaling araw.

 

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan na nagresulta ng kamatayan ng mga suspek na sina Enrico Gervacio alyas Eric, nasa hustong gulang, ng Brgy. Muzon, San Jose Del Monte City at Jeffrey De Jesus, 36, ng Brgy. Langka, Meycaua­yan City.

Ang mga nadakip naman ay sina Benjanin Dejacto, 47, ng Malolos City; Rachelle Rabanera, 43; asawa nitong si Rhandy Rabanera, 45, kapwa ng Santa Maria; Louie Panaligan, 40 ng Plaridel, at Angelito Manahan, 48, ng San Miguel.

Sa ulat ng San Jose Del Monte City Police, dakong alas-4:48 ng madaling araw ay nagpunta ang poseur bu­yer na pulis sa San Jose Heights sa naturang lugar matapos na kumagat si Gervacio alyas Eric na bibili sa kanya ang pulis ng ibinebentang shabu. Nang dumating ang mga operatiba sa lugar ay agad na nagpalitan ng items subalit nakahalata ang suspek na naging dahilan upang tumakbo ito sa madamong lugar saka pinaputukan ang mga humahabol na operatiba. Gumanti ang mga pulis na ikinabulagta ng suspek at ganito rin ang kinasapitan ng suspek na si De Jesus.

Naaresto ang limang suspek sa magkakasunod na operasyon na nasamsaman ng 14 sachet ng shabu at marked money. Nakuha sa mga nasawing suspek ang isang .38 revolver, mga basyo ng bala, isang 9mm kalibre at 18 sachet ng shabu at dalawang tig-P500 marked money. 

Show comments