Ministro ng INC, utol tusta sa kuryente

TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Nasawi ang isang umano’y ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) at kapatid nito matapos na aksidenteng matapakan ang high voltage wire sa loob ng compound ng simbahan sa Brgy. Minanga, Naguilian, Isabela noong Biyernes. ?

Sa report ng pulisya, na­tus­ta at patay na sina Ministro Dennis Dagman, 21, at utol nitong si Mark Rendy, 18, nang matagpuang nakahilata sa lupa at nadaganan pa ang kable ng kuryenteng naka­kabit sa water pump dakong alas-12:30 ng tanghali. ?

Pinaniniwalaang sinikap sagipin ng nakababatang Dag­­man ang ministro nang ku­mi­say ito sa natapakang kuryente subalit pati siya ay nadamay.?

Show comments