Tanod umawat sa gulo, inatado

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kamatayan ang naging kapalit ng pagtugon sa tungkulin ng isang 50-anyos na barangay tanod na rumesponde at umawat sa nagwawalang residente nang suspek sa Brgy.Villa Hermosa sa bayan ng Rapu-Rapu, Albay kamakalawa ng hapon.

Patay agad dahil sa malalalim na taga sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si Reynaldo Bibat Jr., residente ng nasabing barangay. Arestado at sinampahan ng kaso ang suspek na si Alberto Boter, 50-anyos at isang magsasaka.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon, sa hindi malamang dahilan nagwala ang suspek at pinagbabato ang mga dumadaang tao sa kanilang lugar.  Bilang barangay tanod agad na rumesponde ang biktima.  Gayunman, habang sinasaway ng biktima ang suspek nagalit ito at bumunot ng itak saka pinagtataga ang tanod sa ibat-ibang bahagi ng katawan na agad nitong ikinasawi.

Show comments