^

Probinsiya

Narco cop, tinodas sa Isabela

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Abusadong pulis, mabuhay ang CPP/NPA”

Ito ang sinasabi sa karatulang iniwan sa bangkay ng isang pulis na sinasabing nasa drug watchlist ng mga otoridad matapos ratratin ng ‘di pa natutukoy na mga suspek habang nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan sa highway ng Brgy. Tanggal, Cordon, Isabela noong Miyerkules.

Kinilala ng Cordon Police ang biktima na si SPO4 Ronald Galap, residente ng Brgy. Magsaysay sa bayang ito at nakatalaga sa Lubuagan Municipal Police Station sa Lubuagan, Kalinga.

Sa ulat, dakong alas-4:10 ng hapon habang nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan ang biktima nang dumating ang mga suspek sakay ng isang puting pick-up at walang patumanggang niratrat ang biktima hanggang sa mapatay.

Mabilis na tumakas ang mga suspek makaraang mag-iwan ng karatula na may nakasulat na “Abusadong pulis, mabuhay ang CPP/NPA”

Isinugod pa umano ang biktima sa De Vera Hospital sa Santiago City subalit idineklarang dead-on-arrival.

Nabatid na si SPO4 Galap ay itinapon mula sa Cordon papunta sa Lubuagan Police Station sa Kalinga matapos matukoy sa imbestigasyon ng pagkakasangkot niya sa drug trade noong nakaraang taon. (Raymund Catindig)

vuukle comment

NARCO COP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with