Mt. Mayon, 2 beses pumutok

Anim na minuto lang ang pagitan ng dalawang pagputok kung saan ang una’y naganap dakong alas-7:59 ng umaga na sinundan ng pagbuga ng bulkan ng abo kasabay ang puting usok.

LEGAZPI CTY, Albay  , Philippines  —  Binalot ng pangamba ang mga residente sa mga barangay na nasa palibot ng Mount Mayon makaraang dalawang beses na mag-alboroto at magkaroon ng mahinang phreatic explosion sa Albay kahapon ng umaga. 

Anim na minuto lang ang pagitan ng dalawang pagputok kung saan ang una’y naganap dakong alas-7:59  ng umaga na sinundan ng pagbuga ng bulkan ng abo kasabay ang puting usok. 

Ayon sa Phivolcs, umabot sa 300-metro at 500-metro ang taas ng ibinugang abo ng bulkan mula sa crater nito at bumagsak sa loob ng 6-kilometer danger zone partikular sa southwest area ng bundok. 

Ang pagputok ng bulkan kahapon ay kasunod ng nangyaring maliit na lava fountaining noong nakaraang linggo. 

Patuloy na pinag-iingat ng Phivolcs ang lahat ng residente at binawalan din pati ang mga bisita na pumasok sa loob ng mga danger area habang nakataas pa sa alert level 2 ang estado ng bulkan.

Show comments