Truck vs motorbike: 2 patay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang katao ang nasawi matapos salpukin ng rumaragasang trak ang kanilang motorsiklo sa national highway ng Brgy. San Pablo, San Esteban, Ilocos Sur noong Biyernes. ?

Sa report, nang-agaw ng linya ang drayber ng trak na si Christopher Costales, 47, kaya nito natumbok ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho ng lolong si Artemio Galimba Sr., 69, dakong alas-7:00 ng gabi. ?

Tumilapon sa ere saka nagpagulung-gulong sa kalsada sina Galimba at angkas nitong si Joeny Escobar, 26, at kapwa patay na nang mairating sa Candon City Hospital.?

Sumuko naman sa mga nagrespondeng pulis si Costales matapos ang insidente.

Show comments