Magdyowa naaktuhang nago-oral

Ang mga nasakote ay kinilalang sina Jordan Alcayde, 25-anyos, estudyante ng Green Valley Baguio City at nobya nitong si Jansen ­Gat-eb, 19, residente naman ng Sumulong Street sa nasa­bing lungsod.

MANILA, Philippines — Dahil sa makamundong pagnanasa, sa kulungan ang bagsak ng isang magka­sintahang estudyante nang maaktuhang nago-oral sex sa madilim na bahagi ng Children’s Park, Burnham Park, Baguio City kamaka­lawa ng gabi.

Ang mga nasakote ay kinilalang sina Jordan Alcayde, 25-anyos, estudyante  ng Green Valley Baguio City at nobya nitong si Jansen ­Gat-eb, 19, residente naman ng Sumulong Street sa nasa­bing lungsod.

Batay sa ulat ng Cordillera Police, bandang alas- 8:30 ng gabi ay nagroronda sa Burnham Park ang security guard na si Christian Ayyom, 23-anyos, partikular na sa madilim na bahagi ng waiting shed nang marinig nito ang haling­hing ng isa sa magkasintahan.

Nang kanyang ilawan ng flashlight ay naaktuhang nakaupo sa kongkretong upuan ang lalaki habang ang kasintahan nito ay nakaluhod at ino-oral sex ito.

Agad tumayo ang nasa­bing babae habang nakahubad pa ang pantalon ng nasabing lalaki nang hulihin ng guwardiya.

Dinala ng guwardiya sa himpilan ng Baguio Tourist Police Unit bago ang mga ito dinala sa Police Station 7 ng Baguio City at nahaharap ang magkasintahan sa kasong public scandal. (Raymund Catindig)

Show comments