2 teroristang Maute sumuko

andang alas–3 ng hapon ng sumurender sina Bassit at Muntik sa tropa ni Lt. Col Ian Noel Ignes, Commanding Officer ng Army’s 55th Infantry Battalion (IB) sa ilalim ng Joint Task Force Ranao. Isinuko rin nila ang kanilang mga armas na isang cal. 50 at isang garand rifle.
File

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute terrorist group ang sumuko sa Joint Task Force (JTF) Ranao sa Lumbaca–Unayan, Lanao del Sur nitong Martes ng hapon.

Kinilala ni Captain Clint Antipala, Acting Deputy Public Affairs (DPAO) Officer ang mga sumuko na sina Dimasangkay Bassit at Alinok Muntik.

Bandang alas–3 ng hapon ng sumurender sina Bassit at Muntik sa tropa ni Lt. Col Ian Noel Ignes, Commanding Officer ng Army’s 55th Infantry Battalion (IB) sa ilalim ng Joint Task Force Ranao. Isinuko rin nila ang kanilang mga armas na isang cal. 50 at isang garand rifle.

Sa tala ng military, ang grupo ng mga tero­ristang suspek ay sangkot sa pag-atake sa Pantar detachment sa Brgy. Lumbatan sa kasagsagan ng Marawi City siege noong Setyembre ng nakalipas na taon.

“The continuous surrender of Mautes entails weakening of their organizational leadership and capabilities, and we encourage others to lay down their arms and live peacefully,” pahayag ni Army’s 1st Infantry Division at Task Force Zampelan Commander Major Gen. Roseller Murillo.

Sa tala, sa loob lamang ng buwang kasalukuyan ay nasa 10 tero­ristang Maute na ang nagsisuko sa JTF Ranao.

Show comments