Mag-ama patay sa generator!

Nakilala ang mga biktima na sina Joseph Ayson, 41, kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at ama nitong si Mauricio Ayson, 69, na isang retiradong kawani ng korte.

Ibinugang hangin nakalalason

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Kapwa matigas na ang ka­tawan nang matagpuan ang isang mag-ama matapos na malason sa ibinugang hangin ang ginamit na generator  na iniwang umaandar nang makatulog sa kalasingan at brown out sa kanilang lugar dahil sa epekto ng bagyong Ompong sa Brgy. Pengue-Ruyu ng lungsod na ito kamakalawa.

Nakilala ang mga biktima na sina Joseph Ayson, 41, kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at ama nitong si Mauricio Ayson, 69, na isang retiradong kawani ng korte.

Sa report na nakara­ting kay Supt. George Cablarda, hepe ng Tuguegarao City Police, kinailangan pang sirain ng mga kapitbahay ang bintana ng kuwartong tinulugan ng mga biktima dakong 10:30 ng umaga upang mapasok nang mapansing umaandar pa rin ang generator kahit mataas na ang araw.? Kapwa matigas nang bangkay ang mag-ama habang nakakasulasok na ang amoy sa loob ng kanilang bahay dulot ng nakalalasong carbon monoxide na galing sa generator.

Nag-inuman umano ang mag-ama at nagpaandar ng generator sa gitna nang pananalasa ng bagyong Ompong dahil sa brownout kahit ipinagbawal ni Caga­yan Governor Manuel Mamba ang pag-iinom ng alak noong Biyernes at Sabado.

Show comments