^

Probinsiya

Luxury cars ibibigay ng CEZA sa pulis, Army at LGU

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Luxury cars ibibigay ng CEZA sa pulis, Army at LGU
Ayon kay CEZA administrator Raul Lambino, matapos ang ika­­lawang pagwasak sa mga mamahaling sasakyan na pi­nanguna­han mismo ni Pa­ngu­long Rodrigo Duterte ay napagpasyahan na ang mga natitirang mga mamahaling sasakyan na ipamigay na lamang ng libre sa mga sundalo at pulis kabilang na rin ang iba’t-ibang LGU at non-government organizations sa lalawigan ng Cagayan.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nakatakdang ipamigay ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) na nakabase sa Port Irene, Sta Ana ng lalawigang ito ang mga naiwan na mga luxury cars at iba pang mga pampasaherong van sa pamunuan ng Phi­lippine National Police (PNP), Philippine Army at Local Government Units ng libre.

Ayon kay CEZA administrator Raul Lambino, matapos ang ika­­lawang pagwasak sa mga mamahaling sasakyan na pi­nanguna­han mismo ni Pa­ngu­long Rodrigo Duterte ay napagpasyahan na ang mga natitirang mga mamahaling sasakyan na ipamigay na lamang ng libre sa mga sundalo at pulis kabilang na rin ang iba’t-ibang LGU at non-government organizations sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng PSN nasa 18 Hummer cars, 66 na mga luxury SUVs at 27 units ng hi-end Alphard (Toyota) ang nakatakdang ipamahagi sa mga pulis at sundalo.

Samantala, nasa 241 mga passenger vans naman ang ipami­migay din ng libre sa mga iba’t-ibang LGUs at non-government orga­nizations sa lalawigan ng Cagayan habang ang 421 natitirang mga sasakyan tulad ng wa­gons, mini-wagons, sedans at mini SUVs na kina­lawang na at hindi mapapakinabangan ay tuluyan itong wawasakin.

Ayon pa kay Lambino, ang mga nawasak na mga sasakyan ay gagawin na isang monumento na simbolo umano ng paglaban ng pamahalaan sa smuggling at corruption.

“We will build a sophisticated three-story restaurant using the wreckage of the high-end cars. It will be known as the Monumento ng Pagbabago,” pahayag ni Lambino.

RAUL LAMBINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with