15 BIFF patay sa airstrike ng militar

Sinabi ni Col. Gerry Besana, Spokesman ng AFP Western Mindanao Command, 10 sa mga napatay sa air at artillery fires sa Sitio Pandan, Mungkas at Bulod; pawang sa Brgy. Malingao ay natukoy na ang pagkakakilanlan.

MANILA, Philippines — Sa pagpapaptuloy ng ground at air strike operations ng militar sa Maguindanao, labinlima pang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napaslang sa Brgy. Malingao, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao kamakalawa, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni Col. Gerry Besana, Spokesman ng AFP Western Mindanao Command, 10 sa mga napatay sa air at artillery fires sa Sitio Pandan, Mungkas at Bulod; pawang sa Brgy. Malingao ay natukoy na ang pagkakakilanlan.

Ang mga ito ay sina Baser Alon, Nurdin Kalun, Kemi Jainudin, Wahed Anuwar, Bensar Ali, Arapat Gemal, Bedo Gamadil, Wari Brahim, Bakar Seral, Tato Menta, at lima pang nabitbit ng kanilang mga kasamahan sa pagtakas.

Samantalang siyam pa sa mga BIFF ang naitalang nasugatan sa ilalim ng pamumuno nina Abu Turaiffe at Sukarno Sapal.

Samantalang tatlo namang sundalo ang iniulat na nasugatan sa insidente na isinugod na sa military hospital.

“Our troops on the ground are continuously gaining advantage over the BIFF bandits in the SPMS Box for past 7 days of intensified military ope­ration,” ayon naman kay Joint Task Force Central Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana.

Ang SPMS box ay sumasaklaw sa mga bayan ng Salibo, Pagatin (Datu Saudi), Mamasapano at Shariff Aguak; pawang sa lalawigan.

Ang air at ground strike operations ay bahagi ng ipinag-utos na ‘no let up policy’ ni Sobejana upang malipol ang nalalabi pang grupo ng BIFF sa Central Mindanao area.

 

Show comments