^

Probinsiya

Biker tepok sa 2 van

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang rider matapos na sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa dalawang sasakyan sa Brgy. Pinac-Pinacan sa ba­yan ng San Rafael, Bulacan kamakalawa.

Sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan, dead-on-the-spot ang biktimang si Angelito Santiago, 21, sewer at residente ng Brgy. Pulong Bayabas sa bayang ding ito.

Kusa namang sumu­ko sa pulisya saka ka­agad na sinampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Samuel Maboloc, 36, driver, ng Brgy. Gavino Maderan sa General Mariano Alvarez, Cavite.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Rypson Quirijero dakong alas-5:30 ng hapon ay papalabas ng isang kilalang rice mill ang sasakyang Kia van nang pansamantalang huminto ang Mitsubishi L-300 van (WEO-895) na minamaneho ng suspek upang pagbigyan nito ang lumalabas na sasakyan.

Nagkataon namang matuling binabagtas ng biktima ang naturang kalsada lulan ng motorsiklong Euro 150 na walang plaka na naging dahilan upang masagi ng motorsiklo ang papalabas na Kia van saka tuluyang bumangga sa nakatigil na L-300 van at nagresulta sa kanyang kamatayan.

ANGELITO SANTIAGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with