Pagpatay sa trader nasilat, tandem huli sa checkpoint

Ayon kay Espino, nakatanggap ang tip ang Ramon Police na itutumba ng da­lawa ang isang negosyante na nakatira sa Barangay Planas.?
File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Napigilan ang umano’y banta sa isang pro­minenteng negosyante matapos matiklo at masakote ng pulisya ang riding-in-tandem assassins na tutumba sa kanya sa isang police checkpoint sa Ramon, Isabela kamakalawa. ?Sa report ni Cagayan Valley Police Director Chief Supt. Mario Espino, ang dalawang suspek ay sina Reynaldo Pablo, 57, at backrider na si Rose Marie Marana, 47, matapos masamsam sa kanilang bag ang isang cal. 45 at cal. 9mm pistols, sari-saring mga bala at dalawang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana. ?

Ayon kay Espino, nakatanggap ang tip ang Ramon Police na itutumba ng da­lawa ang isang negosyante na nakatira sa Barangay Planas.?

Si Pablo ay nakatala sa pulisya bilang miyembro ng isang gun-for-hire-group na tumatarget ng politiko at mga negosyanteng may balak pumasok sa pulitika.

Show comments