Cavite , Philippines — Nasampulan ang may 88 tambay sa kani-kanilang lugar na inaresto ng pulisya sa sinimulang Operation Tambay alinsunod na rin sa bagong batas na ipinatupad ni pangulong Duterte.
May 88 violators of laws at city ordinances ang nalambat ng puwersa ni Cavite Police Provincial Director Police Senior Superintendent William M. Segun sa malawakang “Tambay” Round Up operation na nagsimula ng alas-10:00 ng gabi pataas.
Kasama sa mga violations ang paglabag sa municipal ordinances at curfew hours, drinking sessions sa mga public places at mga half-naked na kalalakihang pagala-gala nang mga dis-oras ng gabi.
Sa ulat ng pulisya, may 66 katao kabilang ang ilang kababaihan ang naaresto na nag-iinuman sa mga public places, 14 sa curfew hours; 3 sa violation of RA 9165; 3 sa violation ng PD 1602 o sugal at 2 ang mga naka-half-naked.
Patuloy ang crackdown para sa mga “tambay” alinsunod sa utos ni President Rodrigo Duterte para masiguro at mabawasan ang mga kriminalidad lalo na sa kalaliman ng gabi.