Barangay chairman itinumba

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Personal na atraso ang tinitingnang motibo ng pulisya  sa pagbaril at pagpatay sa isang barangay kapitan sa panulukan ng General Lim at Magsaysay St., Pob­lacion, Tacurong City sa Sultan Kudarat, Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Sambutuan Butch Magango, kapitan ng Brgy. Sadsalan, Lambayong, nasabing lalawigan.

Ayon kay PO2 Jun Leo Villalobos ng Sultan Kudarat Police, nag-uusap lamang umano ang biktima at anak nitong si Kenneth Ralf Datu sa isang talyer dakong alas-11:00 ng umaga habang ipinaayos ang kanilang sasakyan nang lapitan sila ng isang nakamaskarang suspek lulan ng motorsiklo at pinagbabaril ang tserman na nagtamo ng tama sa dibdib at likod.

Agad dinala sa ospital ang barangay kapitan ngunit idineklarang dead on arrival.

Show comments