^

Probinsiya

P.1-M reward sa killer ng bodyguard ni mayor

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MULANAY, Quezon  , Philippines  —  Naglaan na ng reward money na nagkakahalaga ng P100,000 ang alkalde ng bayang ito upang matukoy at madakip ang pumaslang sa kanyang security aide ng nakalipas na linggo.

  Ayon kay Mayor Joselito “Tito” Ojeda, ang reward money ay inaasahang makakatulong nang malaki upang malutas ang kasong pagpatay kay Ruben Zubia noong umaga ng Sabado sa Sitio Bulagsong, Brgy. Sta. Rosa. Kinondena ng pamahalaang bayan at mismong mga mamamayan ang panibagong karahasan dito na anila’y hinihinalang may bahid pulitika.

   Ang nasabing security aide ni Mayor Ojeda ay nag-umpisang magtrabaho sa pamahalaang bayan noong 2008 at umaakto ring watchman sa tanggapan ng Municipal Engineering.  

Noong isang buwan, binaril at napatay din sa bayang ito ang isang kapitan ng barangay. 

vuukle comment

REWARD MONEY

SECURITY AIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with