Bagong kagawad nilikida

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang bagong halal na barangay kagawad matapos siyang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek kamakalawa ng hapon sa Biñan City, Laguna. Hindi na uma­bot nang buhay sa Perpetual Medical Center sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Joselito Marfori, 55, ng Barangay Casile, Biñan. Sa ulat ng Laguna Provincial Police Office, dakong alas-3:40 ng hapon habang naghihhintay si Marfori sa labas ng Small Town Lottery (STL) office sa Dr. A Gonzales St., Brgy. San Jose nang bigla siyang lapitan ng isang armadong lalaki at pagbabarilin.

Matapos ang pamamaril, naglakad lamang palayo ang suspek at sumakay sa isang getaway motorcycle. May hinala ang asawa ng biktima na si Luzviminda na ang motibo sa pamamaslang ay dahil sa pagtatalaga sa kanyang asawa na mamahala sa STL sa nasabing lugar.    

Show comments