Pugante utas, 6 iba pa tinutugis

MANILA, Philippines – Patay ang isa sa pitong pugante na tumakas sa Maguindanao provincial jail madaling araw ng Huwebes.

Pinangalanan ni Police Regional Office-12 spokesman Superintendent Aldrin Gonzalez ang nasawing pugante na si Mike Tungkayo Balitoc na may kasong murder.

Pinaghahahanap pa rin naman sina Dante Sandigan Kadatuan, Guli Utba Mangandong, Sindatuk Ampatua Saddam Lucan Montani, Aminodin Maliga at Turagsak Sabal.

Pawang mabibigat na kaso ang kinakaharap ng mga presong pumuga sa Pedro Colina Hill sa Cotabato City.

Ayon kay Gonzales, nakikipagtulungan ang Cotabato City police sa mga baranggay officials at intelligence agents sa ilalim ng Army’s 6th Infantry Division.

Samantala, kasalukuyang nagtatayo ng bagong detention center ng provincial government ng Maguindanao sa bayan ng Buluan.

Ang naturang pasilidad ay papalit sa 70-taong kulungan sa Cotabato City. Inaasahan itong matapos ngayong taon.

Show comments